Saturday, March 9, 2019

What is the Benefits of OWWA

Ano Ang Benifits ng OWWA?


Isa sa mga binipisyo na mula sa OWWA ay ang tinatawag nilang "BALIK PINAS BALIK HANAP BUHAY LIVELIHOOD PROGRAM", ayon sa OWWA ang livelihood program na ito ay inilaan para sa mga OFW na pinauwi, o pinabalik ng Pilipinas dulot ng gera, crisis sa bansang kanilang pinagtatrabahuhan, mga biktima ng human trafficking at illegal recruitment, mga inabuso at minaltratong house hold workers, mga distress OFW na nasakluluhan na ng ating imbahada.


Sinu-Sino ang Pwedeng Gumamit ng Livelihood Program na Ito?


Aktibong miyembro man ng OWWA o hindi ay maaari maka gamit ng livelihood program na ito, maliban lang sa mga OFW na nakatapos ng kuntrata. upang magamit ang livelihood program na ito, kaylangan lang magpasa ng 'Business Plan' at makatapos ng 'Entrepreneur Development Training'.


Dapat hindi lumampas ng isang (1) taon mula umuwi ng Pilipinas bago mag apply nito. Ibig sabihin kung matagal na kayo nakauwi ng Pilipinas o Lampas na ng Isang (1) taon ay hindi na kayo pwede gumamit ng livelihood program na ito.

Magkano Ang Makukuhang Binipisyo Mula sa OWWA?


Dalawampo't Libong Piso (P20,000), yan ang kabuuhang halaga na ibibigay ng OWWA bilang puhunan sa itatayong negosyo ng isang OFW, libre po ito. Kung gusto naman masmalaking puhunan ay pwede rin mag avail ng OFW-EDLP ( Overseas Filipino Worker - Enterprise Development and Loan Program), na may minimum loan amount ng isang daang libong piso hanggang sa maximum dalawang milyong piso ( P100,000 - 2,000,000) ngunit meron na itong tubo.


Para sa masmalawak na impormasyon at kaalaman tungkol sa OWWA livelihood program, maaari kayong mag sadya sa kanilang tanggapan, maaari niyo rin bisitahin ang OWWA official website, at maaari niyo rin sila tawagan o mag send ng email.

Share This
Latest
Next Post

Pellentesque vitae lectus in mauris sollicitudin ornare sit amet eget ligula. Donec pharetra, arcu eu consectetur semper, est nulla sodales risus, vel efficitur orci justo quis tellus. Phasellus sit amet est pharetra

0 comments: