Saturday, March 9, 2019

What is Exit Re-entry Visa

Ano Ang Exit Re-entry Visa


Naging usap usapan sa social media ang tungkol sa exit re-entry Visa, mara ang nagtanong, marami ang nagcomment, at marami din ang nalito. marami din ang nag-iisip na baka makakabalik na sila ng Saudi Arabia sa ibang employer, na kahit exit re-entry visa ang binigay sa kanila ng dating employer. 


Sa artikulong ito lilinawin po natin ang tungkol sa exit re-entry o no return status na ito. ayon sa Saudi Jawazat sila ay nag bukas ng bagong electronic service, ito ang "EXIT RE-ENTRY" o "NO RETURN". ang ibig sabihin ay nag karuon lang ng bagong electronic service ang Jawazat ,na kung saan ang employer ay hindi na kinakaylangan mag report pa, kapag ang kanilang worker ay hindi naka balik pag ka lipas ng dalawang buwan na pagkaka expired ng exit re-entry visa.

Ano Ang Silbi ng Bagong Electronic Service? 


Ang electronic services ay isa sa mga nagpapabilis ng work flow sa passport department ng Jawazat. sa tulong ng system hindi na kaylangan ng Jawazat na i review pa ang listahan ng mga expatrate, na hindi nakabalik after expiration ng kanilang exit re-entry visa. Ibig sabihin ang bagong system na ito ay pabor lang sa employer, at sa kawani ng Jawazat.

Kaylan Ako Pwede Bumalik ng Saudi?


Kapag umuwi ka ng Pilipinas gamit ang exit re-entry visa, pagkatapos hindi ka nakabalik sa iyong employer, at balak mong mag apply sa panibagong kumpanya ay hindi po pwede, kasi banned po kayo sa loob ng tatlong (3) taon, pwedi naman kayo mg apply sa ibang GCC country. sa madaling salita, pag umuwi kayo sa pilipinas galing Saudi Arabia gamit ang exit re-entry visa, at hindi kayo naka balik sa iyong employer kayo po ay banned sa Saudi Arabia sa loob ng tatlong (3) taon.

Kaya sa mga nagbabalak umuwi ng Pilipinas na ayaw bigyan ng final exit ng kanilang employer ay wag na po kayong umasa na makakalipat sa ibang companya.



Share This
Previous Post
Next Post

Pellentesque vitae lectus in mauris sollicitudin ornare sit amet eget ligula. Donec pharetra, arcu eu consectetur semper, est nulla sodales risus, vel efficitur orci justo quis tellus. Phasellus sit amet est pharetra

0 comments: